
LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-43 National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week, handog ng DOTr MRT-3 ang libreng sakay para sa mga persons with disability (PWD).
Ang libreng sakay ay magsisimula ngayong araw, Hulyo 17 hanggang Huly 23, 2021, mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.
Paalala ng MRT-3 na dalhin ang PWD ID at ipakita ito sa security personnel sa pagsakay sa mga istasyon.
Ang MRT-3 ay kaisa sa pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga kapatid nating PWD.
Magugunitang ang National Council on Disability Affairs (NCDA) ang nangunguna sa selebrasyon ng ika-43 National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week ngayong July 17- 23, 2021.
Ito ay may temang, “Kalusugan at Kaunlaran ng Pilipinong May Kapansanan, Isulong sa Gitna ng Pandemya’,’ kung saan naka-sentro sa health and economic empowerment ng mga persons with disabilities sa gitna ng pandemya na dulot ng COVID-19. (DOTr MRT-3/PIA-NCR)