No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MOA ng Tutok Kainan Program sa Marinduque, nilagdaan

BOAC, Marinduque (PIA) -- Isang kasunduan ang nilagdaan ng National Nutrition Council (NNC)-Mimaropa at ng Bahi Agriculture and Fisheries Association (BAFA) para sa Tutok Kainan dietary supplementation program na naganap sa Provincial Office ng Department of Agrarian Reform (DAR) kamakailan.

Ang programang Tutok Kainan ay bahagi ng Philippine Plan of Action for National Nutrition Supplementation Program 2017-2022.

Layon nito na maiwasan ang malnutrisyon sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kalidad at dami ng paggamit ng pagkain para sa mga 'nutritionally at-risk' na mga buntis at mga bata na may edad na anim na buwan hanggang dalawang taong gulang.

Bukod dito, napili ang BAFA bilang supplier ng mga pagkain na ibibigay sa mapipiling benepisyaryo.

Lumagda sa Memorandum of Agrement si Wilfredo M. Nazareno, chairman ng Bahi Agricultural and Fisheries Association habang nakamatyag sina Engr. Anton M. LLanes, OIC-CARPO Program Beneficiaries Development Division ng Department of Agrarian Reform-Marinduque at Corazon P. Rius ng Provincial Nutrition Office. (Larawan mula sa DAR-Marinduque)

Nagpahayag naman si Gov. Presbitero J. Velasco ng kanyang taos-pusong suporta sa nasabing programa.

Dinaluhan ang virtual na seremonya nina Atty. Marvin Bernal, regional director ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Mimaropa, OIC-Regional Nutrition Program Coordinator Ma. Eileen Blanco.

Kasama rin sa dumalo sina Provincial Nutrition Officer Rubi Apiag, Provincial Nutrition Focal Person Francis Erik Bacena ng NNC-Mimaropa at OIC-CARPO ng DAR Provincial Officer na si Engr. Anton Llanes.

Naroroon din ang ilang mga kawani at opisyales ng DAR at Provincial Nutrition Office (PNO) sa nabanggit na aktibidad. (ENSJR/RAMJR/PIA Mimaropa)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch