No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

A4 group vaccination roll-out sa Puerto Princesa, simula na

A4 group vaccination roll-out sa Puerto Princesa, simula na

Ang pagbisita ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron at iba pang kawani ng pamahalaang panglungsod kanina, Hulyo 27, sa vaccination site sa SM Puerto Princesa. Ito ang unang araw ng vaccination rollout para sa A4 priority group kung saan ang ginamit na bakuna para sa kanilang 1st dose ay ang Aztrazeneca vaccines na binili ng LGU.(kuhang larawan ni Mike Escote,PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Itinakda sa  Hulyo 27 ang unang araw ng vaccination roll-out sa Puerto Princesa City para sa unang dose ng mga kabilang sa A4 priority group.

Kaugnay nito ay binisita ni Mayor Lucilo Bayron at iba pang kawani ng pamahalaang panglungsod  ang mga vaccination site partikular na sa city coliseum at SM Puerto Princesa kung saan ang ginamit  na bakuna ay ang Aztrazeneca vaccines na binili ng lokal na pamahalaan. 

Ayon kay  Mayor Lucilo Bayron, ito ay bahagi ng kanilang biniling 200K dosage ng  Aztrazeneca vaccine bagamat  ang unang batch na dumating ay nasa 5700 dosage pa lang.

Aniya, natutuwa siya  sa pagtugon ng mga residente dahil desidido ang mga ito na mabakunahan.

Samantala, sinabi naman ni City Administrator Atty. Arnel Pedrosa, mahalagang makita nila ang ginagawang vaccination roll-out lalo na’t  ang ginamit na bakuna ay ang Aztrazeneca vaccine na binili ng pamahalaang panglungsod.

”Memorable sa amin ito kaya kailangan naming tingnan kung gaano ka-efficient yung pag-administer ng vaccine”, saad pa ni Pedrosa.

Target ng pamahalaang panglungsod na mabakunahan ang 70% ng populasyon nito para maaabot ang “herd immunity” laban sa COVID-19.(MCE/PIA Mimaropa)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch