Sa gitna ng masamang panahon noong nakaraang Biyernes, nakapagtala ang San Jose Rural Health Unit ng 114 na nag-donate ng dugo sa isang blood letting activity ng Philippine Red Cross sa kanilang bayan. (Larawan kuha ng Philippine Red Cross - Romblon Chapter)
ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Sa gitna ng masamang panahon noong nakaraang Biyernes, nakapagtala ang San Jose Rural Health Unit ng 114 na nag-donate ng dugo sa isang blood letting activity ng Philippine Red Cross - Romblon Chapter sa kanilang bayan.
Ito ang pinakamaraming bilang ng blood donors sa isang araw na naitala ng Philippine Red Cross - Romblon Chapter ngayong taon.
Sa bilang na ito, 48 ay first time donors.
Ilan sa mga nakiisa sa blood letting activity ng Philippine Red Cross - Romblon Chapter at ng Rural Health Unit ng San Jose ay mga tauhan at empleyado ng San Jose Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at ng Local Government Unit of San Jose.
Ang nasabing aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng National Blood Donors Month.
Itatago sa blood bank ng Philippine Red Cross sa Romblon Provincial Hospital ang mga nalikom na dugo para magamit ng mga mangangailangan. (PJF/PIA Mimaropa)