Ayon kay Schools Division Supt. Malou Servando, masayang tinanggap ng mga school heads ng Romblon ang mga donasyong laptops, desktops, at printers na binigay ng lokal na pamahalaan ng Romblon. (Larawan mula sa DepEd Romblon)
ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Tumanggap ng mga kagamitang ang iba't ibang paaralan sa bayan ng Romblon, Romblon kamakailan mula sa lokal na pamahalaan.
Ayon kay DepEd Schools Division Superintendent Malou Servando, masayang tinanggap ng mga school heads ng Romblon ang mga donasyong laptops, desktops, at printers na binigay ng lokal na pamahalaan na pinamumunuan ng kanilang alkalde na si Atty. Gerard Montojo.
Pinondohan ito ng LGU ng aabot sa P1.24 milyon mula sa kanilang Municipal Special Education Fund.
Ang mga bagong kagamitan ay magagamit ng mga paaralan sa paggawa ng mga Self-Learning Modules bilang paghahanda sa magbubukas na panuruang taon.
Sinabi naman ni Mayor Montojo na isa sa mga priyoridad ng kanyang pamahalaan ang matugunan ang mga pangangailan ng mga paaralan sa kanyang munisipyo.
Naniniwala rin ito na ang magandang kinabukasan ng bayan ay nasa kamay ng mga kabataan. (PJF/PIA Mimaropa)