Aabot sa 9650 na mga Romblomaon ang makikinabang sa mga Johnson & Johnson (J&J) COVID-19 vaccines na dumating sa probinsya noong nakaraang linggo. (Larawan mula kay Ralph Falculan)
ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Aabot sa 9650 na mga Romblomaon ang makikinabang sa mga Johnson & Johnson (J&J) COVID-19 vaccines na dumating sa probinsya noong nakaraang linggo.
Ayon sa Romblon Provincial DOH Office, dumating ang mga bakuna noong Hulyo 23 kasabay ng aabot sa 4,000 doses ng Sinovac vaccines.
Sa mga bakunang ito, 1,000 na J&J COVID-19 vaccines ay mapupunta para sa mga kasama sa A2 at A3 category sa bayan ng Odiongan.
Ang natitirang doses ng J&J ay ipapamahagi sa iba't ibang munisipyo sa probinsya.
Sa huling tala ng Provincial Health Office, aabot na sa 47,650 doses na ang kabuoang bilang ng mga bakuna ng Johnson & Johnson, Sinovac at Astrazenica ang dumating sa probinsya ng Romblon.
Ang mga health workers, senior citizen at mga may comorbidities ang ilan sa mga nabakunahan na ng panlaban sa Covid-19. Sila ang mga kasama sa A1, A2 at A3 categories ng pamahalaan. (PJF/PIA Mimaropa)