No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Sa 7 kaso ng Delta variant sa Pasig: Mayor Vico nanawagan ng ibayong pag-iingat

File photos courtesy of Mayor Sotto's FB page.

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Nagbigay paalala si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga residente ng lungsod para sa ibayong pag-iingat laban sa iba't ibang COVID-19 variant.

Paalala po sa lahat... Mas delikado ang DELTA VARIANT. Magdagdag ingat po tayo. Sabi ng nasyonal kanina, may Heightened Restrictions tayo. Kung hindi po importante ang event, ipagpaliban muna ito o bawasan ang bilang ng tao,” ayon kay Mayor Vico.

Alinsunod dito, at dahil gusto ko maging magandang halimbawa, lilimitahan ko rin muna ang galaw ko. Halimbawa, pag may Oplan Kaayusan, mula sa sasakyan na lang muna ako magiinspeksyon... wala na munang Lighting Ceremony. Hindi rin naman kasi maiiwasan na lumapit ang ibang tao, kinukulang na minsan sa Social Distancing... mamaya ako pa ang maging super-spreader.”

Nanawagan din si Sotto sa publiko na makipag tulungan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Mag-cooperate po tayong lahat para di na kumalat pa ang delta... tuloy-tuloy lang din tayo sa vaccination, nagagamit naman natin ang lahat ng natatanggap natin.”

Samantala ibinalita rin ni Mayor Vico sa kaniyang Facebook page, batay sa ulat ng Department of Health, ay may pitong (7) kaso ng Delta variant sa lungsod.

DOH reported 7 delta variant cases in Pasig: 5 are already recovered with negative pcr results. They finished the mandated quarantine and were properly contact traced and tested, even before the Philippine Genome Center released their results. There are 2 active cases – both are in our Centralized Quarantine Facility. Their close contacts have been traced, tested, are now under quarantine at Daisy Hotel,” paliwanag ni Mayor Vico. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch