No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

5 brgy sa Lubang, benepisyaryo Free Wi Fi for All ng DICT

5 brgy sa Lubang, benepisyaryo Free Wi-Fi for All ng DICT

Lubos ang pasasalamat ni Lubang Mayor Michael Orayani sa pagkakasama ng Brgy Binacas at apat na iba pang barangay ng Lubang, sa programang Free Wi-FI for All ng DICT. (DICT Occ Mdo)

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hulyo 30 (PIA) – Limang barangay sa Lubang ang napabilang sa programang Free Wi-Fi for All ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Layon ng nabanggit na programa na mabigyan ng internet connection ang mga lugar na kabilang sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), gaya ng mga barangay ng Tilik, Vigo, Binacas, Tangal, at Cabra, sa isla ng Lubang.

Ayon kay Engr. Fernando Gatdula, Provincial Director ng DICT, sa ilalim ng Free Wi-Fi for All program, kahit ang mga malalayong komunidad ay nakakapag- online sa pamamagitan ng satellite internet. Malaking tulong aniya ang internet upang magkaroon ng access ang mga residente sa edukasyon, balita at impormasyon, at pagkakataong makahanap ng pagkakakitaan o hanapbuhay.

Idinagdag ni Engr. Gatdula na may mga pagkakataong bumabagal o humihina ang signal dahil naapektuhan ng mga obstruksyon, gaya ng masamang panahon, ang connectivity kung gumagamit ng satellite internet. Gayunman, malaking bagay, ayon sa opisyal, na mayroon na ngayong internet access kahit ang mga pamayanan na dati ay hindi naabot ng ganitong teknolohiya.

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ni Lubang Mayor Michael Orayani sa pagkakasama ng nabanggit na limang barangay sa mga nabiyayaan ng satellite internet. “Kapaki-pakinabang ang libreng wifi lalo na sa mga mag-aaral para sa kanilang online learning,” saad ni Mayor Orayani. Dagdag pa ng Alkalde, nakatipid din ang mga magulang, dahil sa halip na gumastos sa internet subscription, ay nagagamit ang pera sa ibang pangangailangan sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Kamakailan ay isinagawa ng DICT ang virtual ceremonial launching ng Free Wi-Fi for All program sa 14 na GIDA sa loob ng lalawigan. Bukod sa Lubang, benepisyaryo din ng programa ang mga bayan ng Abra de Ilog, Sablayan, San Jose, Calintaan, Sta Cruz at Paluan. (VND/MIMAROPA)

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch