No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Home service vaccination, hatid ng Taguig sa mga seniors

Taguig PIO photo

LUNGSOD PARAÑAQUE, (PIA) -- Upang mas paigtingin ang pagbabakuna, ang Lungsod Taguig ay naglunsad ng programang pagbabakuna sa bahay ng mga senior citizen at mga kababayang hindi makaalis ng bahay at makapunta sa vaccination center.

Sa ilalim ng programa, may mga doktor at nars na pumupunta mismo sa kanilang bahay upang sila ay matingnan at mabakunahan.

Paraan ito ng lokal na pamahalaan upang mas mapadali ang proseso ng pagpapabakuna para sa mga senior citizen.

Target ng lungsod na mabakunahan ang lahat ng mga seniors na una nang nagpahayag ng interes na magpabakuna sa pamamagitan ng kanilang pag pre-register.

Patuloy naman ang paghihikayat ni Taguig City Mayor Lino Cayetano sa publiko na magpabakuna.

Maaaring mag-register online o tumawag sa Taguig City Home Vaccination Team para mai-schedule ang pagbabakuna.

Ang mga senior citizen ay kabilang sa A2 Priority Group ng pamahalaan, bunsod ng limitadong suplay ng bakuna kontra COVID-19. (PIA-NCR)

About the Author

Alehia Therese Abuan

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch