No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

'Lugawan Weekend' inilunsad sa Romblon ng mga kabataan

Inilunsad ng mga kabataan sa probinsya ng Romblon ang isang feeding program na tinawag nilang 'Lugawan Weekend'. (Larawan kuha ng Millennials PH Romblon Chapter)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Inilunsad ng mga kabataan sa probinsya ng Romblon ang isang feeding program na tinawag nilang 'Lugawan Weekend'.

Ang nasabing programa ay inilunsad ng grupong Millennials PH Romblon Chapter sa pakikipagtulungan nila sa opisina ni Vice President Leni Robredo.

Aabot sa 320 mga bata at kabataan mula sa mga bayan ng Magdiwang, Calatrava, Sta. Maria at Looc ang kanilang nabigyan ng masustansyang lugaw.

Ayon kay Alden Dy Fajilan, isa sa mga volunteer, layunin ng programa na magbigay pag-asa at tamang nutrisyon sa mga kabataan lalo sa panahon ng Pandemya.

Inaasahang sa susunod na mga Sabado at Linggo at bibisita sila sa iba pang bayan sa probinsya. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch