No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 12M halaga ng equipments, ibinigay ng Amerika sa BFP-Special Rescue Force

12M halaga ng equipments, ibinigay ng Amerika sa BFP-Special Rescue Force

PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA)—Nakatanggap  ng Chemical, Biological, Radiological and Nuclear Equipments mula sa US National Defense ang bagong buong  Bureau of Fire and Protection (BFP)-Special Rescue Force  sa lalawigan ng Palawan.

Sa naganap na presentasyon noong Agosto 2 sa BFP-Puerto Princesa Office, sinabi ni FO3 Mark Llacuna, spokesperson ng BFP-Special Rescue Force, na ito ay nagkakahalaga ng P12 milyon.

Kabilang dito ang mga Communication, Detection, Response and Decontamination equipments tulad ng mga Radio equipments, weather tracker, Scanning with the Gemini Analyzer, label A suit, Label B suit ,Breathing apparatus with compresor at maraming iba pa.

Aniya, mismong ang bansang Amerika ang pumili sa lalawigan ng Palawan na lagyan ng CBRN equipments dahil sa buong Mimaropa region, ang lalawigan ang nakita nilang posibleng malagay sa peligro sa mga susunod na panahon.

Sa pamamagitan kasi ng mga makabagong kagamitan, mas magiging ligtas at epektibo ang isang bombero. 


Ang mga miyembro ng Bureau of Fire and Protection (BFP) - Special Rescue Force kasama sina Puerto Princesa City Fire Marshall Nilo Caabay, Palawan 2nd District Board Member Ryan Maminta, BFP-Palawan Provincial Director FSUPT. Ferdinand Samson at ang Chemical, Biological Radiological and Nuclear (CBRN) Equipments na ibigay ng bansang Amerika.(kuhang larawan ni Mike Escote,PIA-Palawan)

Ayon naman kay BFP-Palawan Provincial Director FSUPT. Ferdinand Samson, magagamit ang mga modernong kagamitan sa mga man-made destruction tulad ng terrorist attacks.

“Dalawa po kasi, man-made or accidental in nature ang naganap na field, yun po ang ina-address ng mga kasamahan natin sa SRF” saad pa ni FSUPT. Samson.

Kamakailan lang ay natapos na ang unang bahagi ng pagsasanay ng dalawampung 20 BFP-SRF kung saan tinuturuan sila ng mga Amerikano kung papaano gamitin at mapangalagaan ang mga kagamitan at kasunod nito ang tatlo pang ladderized training na gagawin sa mga susunod na buwan. (PIAR4B)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch