No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

8K na armchair binigay ng MBHTE sa Cotabato City Schools Division

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) – Abot sa 8,000 school armchairs ang binigay noong Martes, Agosto 3, ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MBHTE-BARMM) sa Cotabato City Schools Division.

Ang nasabing mga armchair ay orihinal na bahagi ng paghahanda para sa school year 2020-2021 subalit dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019  naantala ang paggawa at pamamahagi ng mga ito.

Ang ilan sa mga katangian ng armchair ay mayroon itong malapad na espasyong pagsulatan, laminated wood design, at malakas na metal case support na angkop para sa lahat ng uri ng mga mag-aaral.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Cotabato City Schools Division Superintendent Dr. Concepcion Balawag sa MBHTE para sa tuloy-tuloy na mga proyekto at programa para sa mga mag-aaral na Bangsamoro.

Siniguro din ni Balawag na buo ang suporta ng Cotabato City Schools Division sa ministry sa pagsisikap nito na walang mag-aaral na Bangsamoro ang maiiwan. (With reports from BIO-BARMM).




About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch