No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOLE magbibigay ng ayuda sa mga manggagawa

Photo from DOLE FB page

LUNGSOD QUEZON--Nakahanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng ayuda sa mga manggagawa na maaapektuhan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa pahayag na inilabas ng DOLE, gagamitin nito bilang emergency fund ang natitirang P4 bilyon pondo ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD).

Ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang paggamit sa pondo ng TUPAD para sa formal workers habang hinihintay ang resulta ng nakahain na dalawang milyong supplemental budget sa Department of Budget and Management (DBM) upang palawigin pa ang ayuda sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program(CAMP). (MBP/PIA-IDPD/DOLE).

About the Author

Marites Paneda

Writer

Central Office

Information Officer of the Institutional Development Program Division (IDPD).

Feedback / Comment

Get in touch