No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Barangay sa Midsayap, NCot tutulungan ng DOST

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng North Cotabato (PIA)—Mabibigyan ng tulong ng Department of Science and Technology (DOST)-North Cotabato ang Barangay Malamote sa bayan ng Midsayap.

Ito ay matapos ang isinagawang community needs assessment sa nasabing barangay nitong Miyerkules. Layon ng aktibidad na malaman ang mga pangangailangan ng barangay at matugunan ang mga ito sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo ng DOST.

Sa pamamagitan ng DOST-Community Empowerment through Science and Technology (CEST) Program, ipinatutupad ang mga interbensyon sa science and technology na may kaugnayan sa pagsusulong ng economic development, health and nutrition, environmental protection and conservation, human resource development, at disaster risk reduction and management and climate change mitigation.  Ito ay upang gawing matatag at progresibo ang mga komunidad.

Samantala, base sa ginanap na assessment sa Barangay Malamote, ilan sa mga natukoy na pangangailangan ng naturang barangay ay ang potable water system, livelihood trainings para sa kababaihan, at consultancy services para sa mga magsasaka. Dagdag pa rito, isa pa sa mga nakikitang pangangailangan, lalo na ng kabataan sa lugar, ay ang pagkakaroon ng DOST-STARBOOKS. 

Maliban sa naturang barangay, sinabi ni DOST provincial director Michael Ty Mayo na may pito pang komunidad at grupo ang benepisyaryo ng CEST Program ngayong taon. Ito ay ang Sitio Antara sa Barangay Nicaan, Libungan; at Sitio Dulao sa Barangay Dado, Alamada.

Kasali rin sa mga benepisyaryo ang HAGPAT-UMA Farmers Association sa President Roxas, Panubarang Kulturanhong IP Ancestor Domain Bahani Apo sa Sandawa, Inc. sa Arakan, Binay Multi-Sector Peace Builder Association sa Magpet, at Mlang United Bangsamoro Women’s Association (MUBWA) at Manna Farmers Agriculture Cooperative na kapwa nasa bayan ng M’lang.

Sinabi pa ni Mayo na sisimulang ipatupad ang programa ngayong 3rd quarter hanggang 4th quarter ng taon. (With reports from DOST-North Cotabato)



About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch