No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pigcawayan, NCot magiging benepisyaryo ng tulong mula sa MSU

MIDSAYAP, Lalawigan ng North Cotabato (PIA)—Magsasagawa ngayong taon ng community extension activity ang Mindanao State University (MSU)-Maguindanao Campus sa Sitio Bangon, Barangay Simsiman sa Pigcawayan, North Cotabato.

Nabatid na magbibigay ang MSU-Maguindanao ng technical assistance at literacy awareness sa mga indibidwal sa benepisyaryong lugar. Maliban dito, magkakaroon din ng supplemental feeding at maghahatid ng iba pang serbisyo ang naturang paaralan.

Ang aktibidad na isasagawa ng College of Fisheries at Integrated Laboratory Science High School ng nabanggit na unibersidad ay sa pakikipagtulungan ng 34th Infantry (Reliable) Battalion, sa pamamagitan ng Charlie Company na siyang magbibigay seguridad sa aktibidad.

Kaugnay nito, lumagda kamakailan sa kasunduan ang MSU-Maguindanao at 34th IB para sa pagpapatupad ng community extension activity. Sa ngayon ay pinaplantsa na ng MSU-Maguindanao ang mga hakbang at detalye ng gagawing aktibidad.

Nagpahayag naman ng kagalakan si 34th IB commanding officer Lt. Col. Edgardo Vilchez sa pakikipagpartner ng MSU-Maguindanao sa paghahatid ng serbisyo na makatutulong sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa isang lugar.

Ani Vilchez, isang milestone para sa 34th IB ang pumasok sa nabanggit na kasunduan lalo na at ito ay tugma sa mga layunin ng batalyon. (With reports from 34th IB)



About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch