LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) -- Nasa 3,708,890 na ang kabuuang populasyon ng lalawigan ng Bulacan.
Inilahad ni Philippine Statistics Authority-Bulacan Supervising Statistical Specialist Marcelino De Mesa na ito ay batay sa resulta ng isinagawang 2020 Census of Population and Housing.
Nanatiling sa lungsod ng San Jose Del Monte ang pinakamaraming naninirahan sa Bulacan na naitala sa 651,813.
Sinusundan ng 289,820 ng bayan ng Santa Maria; 261,189 sa lungsod ng Malolos; 254,453 sa Marilao; at 225,673 sa lungsod ng Meycauayan.
Ito ay sinundan ng bayan ng San Miguel na nasa 172,073; Pandi- 155,115; Bocaue 141,412; Norzagaray-136,064; Hagonoy-133,448; Calumpit-118,471; San Ildefonso- 115,713; Plaridel- 114,432; Guiguinto- 113,415; Pulilan- 108,836; San Rafael- 103,097; Bulakan- 81,232; at Bustos- 77,199
Kabilang naman sa limang mga bayan na may pinakamabababang bilang ng populasyon ang Balagtas na nasa 77,018; Angat na nasa 65,617; Obando na nasa 59,978; Paombong na 55,696 at Donya Remedios Trinidad na nasa 28,656. (CLJD/SFV-PIA 3)
Si Philippine Statistics Authority-Bulacan Supervising Statistical Specialist Marcelino De Mesa. (Shane F. Velasco/PIA 3)