No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 2 parkeng bahagi ng Balayong People’s Park, tapos na

2 parkeng bahagi ng Balayong People’s Park, tapos na

Ayon kay Architect IV Ezrha Miguel, ng Office of the City Architect ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa, sa mga bahagi ng Balayong People's Park, unang natapos ang Forest Park na pinondohan ng pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) sa halagang P86 milyon at ang Mini Park na pinondohan ng halagang P16 milyon. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Ang Forest Park at Mini Park ang naunang natapos sa mga bahagi ng Balayong People’s Park sa Puerto Princesa, ayon kay Architect IV Ezrha Miguel ng Office of the City Architect kamakailan.

Aniya ang bahaging ito ng nasabing parke ay pinondohan ng pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) sa halagang P86 milyon at P16 milyon.

Sa pagpapaliwanag pa ni Architect Miguel, sinabi nito na ang Balayong People’s Park ay hindi lamang ordinaryong parke, ito ay ginawa bilang pagsuporta sa Urban Forestry Program ng pamahalaang panglungsod at alinsunod rin sa Green, Green, Green Program ng pamahalaang nasyunal kung kaya’t ilan sa bahagi nito ay pinondohan ng pamahalaang nasyunal.

Ang Balayong People's Park ay may lawak na 62.45 ektarya ngunit dahil sa nararanasang pandemya ay nasa 50% pa lamang ang natatapos na target sanang matapos sa 2022. Taong 2016 sinimulan ang pagbuo ng master plan nito.

Sinabi pa ni Arch. Miguel na layon ng proyektong ito na maging isa ring tourist destination sa lungsod.

Ilan sa mga atraksiyon na makikiata sa nasabing parke ay ang Gateway Park, Friendship Park, Ecumenical Wedding Shrine, Interactive Water Park, Botanical Garden, Blossom Park, Rotonda Park, Balayong Fountain Park, Outdoor Amphitheater, Skate Park, Meditation Garden, Zipline Spiral Tower, Watch Tower at marami pang iba.

Ilan naman sa mga natapos nang bahagi ng parke ay ang Historical Lane, Learning Pod, Water Pod, Viewdect at Outdoor Amphitheater, kung saan isinagawa ang inagurasyon ng mga ito kasabay ng pagdiriwang ng 5th Balayong Tree Planting and Nurturing Festival kamakailan at nagkaroon din ng iba’t-ibang aktibidad kaugnay nito. 

Ipinakita naman sa mga mamamahayag sa lungsod ang ilang bahagi ng parke na natapos na sa pamamagitan ng Media Walk Tour na inorganisa ng City Information Department ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch