No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ayuda, sinimulan nang ipamahagi sa Maynila

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng cash ayuda mula sa pambansang pamahalaan na inilaan para sa mga pamilyang Manilenyo na apektado ng implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, hangad niya na miabigay agad ang naturang ayuda lalo na't maraming nawalan ng kabuhayan sa gitna ng ECQ.

Naka-iskedyul naman ang payout sa bawat barangay sa lungsod upang maiwasan ang siksikan at mahahabang pila.

Pinangunahan ni Manila Department of Social Welfare Director (MDSW) Re Fugoso ang pagbibigay ng ayuda sa Mataas na Paaralan ng Jose Abad Santos kung saan nakatakdang tumanggap ng tig-P4,000 ang nasa humigit-kumulang 1,200 na Manilenyo.

Kasabay nito, tuluy-tuloy din ang mga kawani ng MDSW sa pamamahagi ng ayuda sa anim na distrito ng lungsod. (MPIO/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch