No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: PCOO nanguna sa kampanya laban sa korapsiyon -- Sec. Andanar

PCOO nanguna sa kampanya laban sa korapsiyon -- Sec. Andanar

“I’m very proud of the war against corruption, campaign against corruption, dahil ang PCOO ay nangunguna din diyan sa pamamagitan ng Freedom of Information, Executive Order No. 2. Na tayo nga ang inyong lingkod, sampu ng mga kasamahan ko ang nanguna, kasama si Executive Secretary para ‘yan ay pirmahan at ‘yan ay nasa ilalim ng opisina ng PCOO,” ang pahayag ni PCOO Sec. Martin Andanar sa panayam ni Goody Sarsagat ng Radyo Pilipinas, Palawan (Screenshot from PCOO Video)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Isa sa ipinagmamalaki ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga legasiya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ang kampaya laban sa korapsiyon.

Sa panayam ni Goody Sarsagat ng DWMR-Radyo Pilipinas Palawan sa programang Malayang Mamamahayag noong Agosto 13, sinabi ni Sec. Andanar na ipinagmamalaki nito ang kampaya ng pamahalaan laban sa korapsiyon at isa ang PCOO sa mga ahensiyang nanguna dito, sa pamamagitan ng Executive Order No.2 o itong Freedom of Information (FOI).

“I’m very proud of the war against corruption, campaign against corruption, dahil ang PCOO ay nangunguna din diyan sa pamamagitan ng Freedom of Information, Executive Order No. 2. na tayo nga, ang inyong lingkod, sampu ng mga kasamahan ko ang nanguna, kasama si Executive Secretary para ‘yan ay pirmahan at ‘yan ay nasa ilalim ng opisina ng PCOO,” ang pahayag ng Kalihim.

Sinabi rin nito na ang 'freedom of information' ang nagpapalakas ng karapatan sa impormasyon ng bawat mamamayan at ito ay nakasulat sa konstitusyon.

Sa pamamagitan aniya ng FOI ay maaari nang i-check ng mga mamayan ang mga dokumento, mga numero, kung papaano ang operasyon ng mga ahensiya ng gobyerno at kung paano ginagasta ng mga ahensiya ang pera na binibigay ng taumbayan sa pamamagitan ng buwis.

Naandiyan din, ayon sa Kalihim, ang Presidential Anti-Corruption Commission at ang pagpapalakas ng Pangulong Duterte ng Anti-Red Tape Act upang malabanann ang korapsiyon.

“Kitang-kita mo naman, nag-a-announce si Presidente Duterte, sinisibak n’ya ang mga taong corrupt, ang mga malalaking kompanya na hindi nagbabayad ng buwis, pinagbabayad niya. Ang mga tax evaders ay hinuhuli nya, pinapakulong nya, pinagbabayad nya. Lahat ng ito naman ay naramdaman natin at dahil dito ay tumaas talaga ang ating ease of doing business,” pagdidiin pa ng Kalihim. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch