No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Additional vax slots binuksan ng Taguig

LUNGSOD PARANAQUE, (PIA) -- Nagbukas ng karagdagang online slots ang lokal na pamahalaan ng Taguig upang mabakunahan ang mga nasa kategoryang A1-A4 sa Agosto 17 at 18.

Ayon sa anunsyo mula sa  I Love Taguig Facebook page, mag bubukas ang mga slot para sa anim na Mega Vaccination Hub ng lungsod, tulad ng Lakeshore 1, Sea Breeze, Venice-1, Venice-2, Vista Mall, at Bonifacio High Street-2 Mega Vaccination Hub.

Maaaring makakuha ng slot para sa Agosto 17 sa Lunes, Agosto 16, habang ang slots para sa Agosto 18 ay magbubukas naman Lunes hanggang Martes.

Payo ng Taguig LGU, para makakuha ng slot, pumunta lamang sa trace.taguig.gov.ph o sa mga TRACE kiosks na matatagpuan sa mga barangay hall para makakuha ng QR code at mabakunahan laban sa COVID-19.

Ang patuloy na pag dagdag o pag bubukas ng vaccination slots ay kasama sa ginagawang pagpapalakas ng lungsod sa kanilang vaccination program na makakatulong sa pag laban ng Probinsyudad sa Covid-19. (PIA-NCR)

About the Author

Alehia Therese Abuan

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch