No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BIFF commander, 10 pang kasamahan sumuko sa Philippine Army

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) – Abot sa 11 na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Karialan Faction kabilang ang commander nito na nag-ooperate sa Maguindanao ang nagbalik-loob  sa pamahalaan kamakailan.

Ito ay matapos silang sumuko sa headquarters ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay kanilang itinurn-over ang 60 mm mortar launcher, dalawang .50 caliber Barrett sniper rifle, M14 rifle, dalawang Garand rifle, M16 rifle, Thompson submachine gun, dalawang improvised explosive device, at mga bala.

Ayon kay 33rd IB commander Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., ang pagsuko ng mga dating miyembro ng BIFF ay sa tulong na rin ng mga lokal na lider ng mga barangay ng Kuloy at Tapikan sa nasabing bayan. 

Dagdag pa ni Cadiente, ang mga sumukong BIFF ay isinailalim sa custodial debriefing at profiling bago ang kanilang pag-endorso sa probinsya ng Maguindanao upang maka-avail sa livelihood packages at assistance sa ilalim ng AGILA-HAVEN Program.

Samantala, base sa record ng 6th Infantry (Kampilan) Division abot na sa 130 BIFF ang sumuko sa militar at pulis sa Central Mindanao simula Enero ngayong taon. (With reports from DPAO, 6ID).



About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch