No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Koronadal kumita ng halos P4M sa auction sale

KORONADAL CITY,  South Cotabato (PIA) --  Kumita ang Lungsod ng Koronadal ng P3,995,804.99 sa isinagawang Real Property Public Auction Sale noong Agosto 12. 

Pinangunahan ang naturang subastahan ng City Treasurer's Office sa pamumuno ni City Treasurer Marloun Gumbao. 

Sa ulat ng pamahalaang panglungsod, nakasaad na ang nakolektang buwis ay nagmula sa 326 na Real Property Units (RPUs) na kinabibilangan ng 12 na lupang sakahan, 4 na gusaling pang-agrikultura, 1 makinaryang pangsakahan, 5 na gusaling pangkomersyal,  11 na lupang pangkomersyal, 300 na loteng pangtirahan, 15 na residential building, 2 lupang pang-industriya, 1 gusaling pang-industriya at 11 na road land. 

Ayon pa sa ulat, bago pa man ang public auction ilang taxpayer na ang nagbayad ng mga hindi nabayarang buwis  kung kaya't 38 na RPUs na lang ang isinailalim sa subastahan noong Huwebes. 

Ang nangyaring real property public auction sale ay ikasiyam na subastahang isinagawa ng Pamahalaang Panglungsod ng Koronadal simula noong 2013. 

Ayon kay Gumbao, ang pagsasagawa ng auction sale ng mga tax-delinquent property ay nakabatay sa Section 260 at Section 263 ng Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991. 

About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch