No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagbabayad sa MMDA redemption center, suspendido muna

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido muna ang pagbabayad ng traffic violations sa redemption center ng ahensya.

Ayon sa MMDA, ang suspensyon ng pagbabayad sa redemption center ay nagsimula nitong Martes, Agosto 17, 2021 upang malimitahan ang face-to-face transactions dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Hinihikayat ng MMDA ang publiko na gumamit ng cashless at online payment channels (Landbank, Bayad, GCash, PayMaya) upang bayaran ang mga multa. 

Ang Metro Manila o NCR ay nananatiling nasa ilalim ng enhanced community quarantine hanggang sa Agosto 20, 2021. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch