No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Subsidiya sa bamboo industry sector sa Puerto Princesa, isinusulong

Subsidiya sa bamboo industry sector sa Puerto Princesa, isinusulong

PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA) -- Isinusulong ngayon ng City Environment and Natural Resources Officer ng Puerto Princesa City  ang pagbibigay ng pamahalaan ng subsidiya sa mga nagtatanim ng kawayan.

Sa kaniyang naging talumpati sa naganap na  Bamboo Industry Roadmap kamakailan, na pinangunahan ng United States Agency for International Development (USAID), ay ipinanukala ni City-ENR Officer Atty. Carlo B. Gomez ang “institutionalized financing program” ng pamahalaan para masuportahan ang bamboo industry.

Ayon sa kanya, sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga mamamayan na magtanim ng mga kawayan at  sumali sa bamboo production and marketing.

Giit niya, ang mga lokal na magsasaka ay mahihikayat na magtanim ng kawayan at magnegosyo ng mga  produkto ng kawayan o  bamboo products  kung mayroong ganyang suporta sa pamahalaan.

Ipinanukala ni Puerto Princesa City-ENR Officer Atty. Carlo B. Gomez sa katatapos na Bamboo Industry Roadmap ang pagkakaroon ng government subsidy sa bamboo industry sector. (Larawan mula sa City-ENRO)

Sinabi pa ni Atty. Gomez na ang mga lokal na pamahalaan ay makakatulong rin  ng malaki sa  bamboo industry sector  sa pamamagitan ng paghahanap ng mga negosyanteng bibili ng produkto at maaaring maging business partner.

Itinutulak niya rin ang pagkakaroon ng pagbabago sa proseso ng pagbibigay ng mga permit at iba pang dokumento sa pagluluwas ng mga kawayan at produkto nito dahil sa ngayon aniya, napakaraming dokumentong kailangan kunin mula sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), National Commission on Indigenous People (NCIP),  at sa mga LGU tulad ng munisipyo, lungsod at barangay.

“Ang bamboo ay itinuturing na 'damo', kaya huwag na nating pahirapan pa ang nasa bamboo industry”, saad pa ni Atty. Gomez.

Mataandaang ipinanukala rin ng City ENRO ang pagtatayo ng Bamboo Farm and Industry Project sa  20-hectare area ng  Environmental Estate sa Barangay Sta. Lucia, Puerto Princesa City.(MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch