No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LGU-Kidapawan City nakatutok na sa pagtulong sa mga batang magkaka-COVID-19

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng North Cotabato (PIA)--- Maglalagay na ng mga pediatric bed ang pamahalaang panlungsod ng Kidapawan sa mga isolation at Temporary Treatment and Monitoring Facility nito.

Ito ay upang mabigyan ng tamang atensyon at pag-aaruga ang mga batang mahahawaan ng coronavirus disease 2019.

Nabatid na napagkasunduan ang naturang hakbang sa pagpupulong ng Local Inter-agency Task Force on COVID-19 noong Lunes. Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, ito ay isa sa mga paraan ng pamahalaang panlungsod sa posibleng pagpasok ng Delta variant ng COVID-19 sa siyudad.

Dagdag pa ni Evangelista, posible namang may mga gagawing pagbabago sa isolation at treatment protocols laban sa nabanggit na sakit. Ito ay kung sakaling maipatupad na ang paglalagay ng pediatric care facilities sa mga isolation and treatment facility na angkop sa medical at social needs ng mga bata habang ginagamot.

Tiniyak naman ng alkalde na sapat ang suplay ng oxygen at anti-viral medication na Remdesivir sa lungsod bilang paghahanda laban sa Delta variant. (With reports from CIO-Kidapawan)


About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch