No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

“Resbakuna bus” umarangkada na sa lungsod ng Cotabato

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)-- Mas abot-kamay na ang bakuna kontra COVID-19 sa lungsod ng Cotabato matapos ilunsad kamakailan ng pamahalaang lungsod ang “Resbakuna Bus” na isang mobile vaccination facility para sa mga residenteng nais magpabakuna ngunit malayo sa mga itinalagang vaccination sites.

Ayon sa Cotabato City Health Office (CHO) layunin ng nasabing programa na mabakunahan ang mga indibidwal na kabilang sa A1 hanggang A3 priority groups sa lungsod na hindi pa nababakunahan.

Ang programa ay isa ring inisyatiba ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi para sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) sa lungsod.

Samantala, batay sa tala ng CHO abot na sa mahigit 25,000 mga indibidwal ang fully vaccinated sa lungsod.

Dagdag pa rito, pinapayuhan din ng CHO ang mga fully vaccinated na mga indibidwal na panatilihin ang pagsunod sa ipinatutupad na minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at physical distancing lalo na sa mga matataong lugar. (With reports from CHO)



About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch