No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 100 katutubong Mangyan, nakatakdang magsanay sa mga kurso ng TESDA

100 katutubong Mangyan, nakatakdang magsanay sa mga kurso ng TESDA

Nagbigay ng mensahe si DTI Provincial Director Arnel Hutalla sa mga partisipantes na kabilang sa programa ng TESDA na ginanap sa Brgy. Buong Lupa Elementary School kamakailan. (kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, ORIENTAL Mindoro (PIA) -- Kaugnay sa implementasyon ng Barangay Development Project para sa mga taga Brgy. Buong Lupa sa bayan ng Gloria, handa nang magsimula anumang araw sa pagsasanay ang 100 katutubong Mangyan mula sa tribung Tao-Buhid at ilang residente na handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang nasabing barangay ay kabilang sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na kinilala bilang pangunahing barangay na kailangan paglaanan ng mga programa sa ilalim ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) na sumusuporta sa E.O.70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inilunsad dito ang Project AKAY o Abot Kasanayan Alay sa MangYan, isang Agri-based and Construction related skills para sa mga kalahok nito.

Sasailalim sa mahigit isang buwan sa pag-aaral ng limang kurso ang mga nasabing katutubo na kinabibilangan ng Produce Organic Fertilizer at Raise Organic Chicken (Leading to Organic Agriculture Production NC2), Masonry NC1, Assembly of Solar Night Light and Post Lamp at ang Service Motorcycle/Small Engine Systems (Leading to Motorcycle/Small Engine Servicing NC2).

Ayon kay TESDA Acting Regional Director Joel Pilotin, ang pagsasanay ay mapapakinabangan ng mga partisipantes para sa kanilang pangkabuhayan na may kasamang allowance at insurance.

Nilagdaan ni Gloria Mayor German 'Bitoy' Rodegerio (naka pulang damit) at TESDA Acting Regional Director Joel Pilotin ang Pledge of Commitment bilang pagsang-ayon sa programa ng PRLEC at EO70 ni Pangulong Duterte. (kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Matapos ang seremonya ay lumagda ang mga kasapi ng PRLEC sa isang Pledge of Commitment para sa Project AKAY na pinangunahan ni Acting RD Pilotin at Mayor German Rodegerio at iba pang kasapi.

Samantala, bukod sa TESDA ay nagbahagi din ang mga kasapi tulad ng Department of Trade and Industry (DTI)-Oriental Mindoro, Department of Agrarian Reform (DAR), LGU Gloria at iba pa ng kanilang maaring serbisyo at tulong para sa mga partisipantes. (DPCN/PIA-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch