No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

1,929 senior citizens sa Bulalacao, tinanggap na ang social pension mula DSWD

1,929 Senior Citizens sa Bulalacao, tinaggap na ang social pension mula DSWD

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Bulalacao ang pamamahagi ng social pension para sa 1,929 benepisyaryo na mga senior citizen  para sa buong taon ng 2021.

Ang pondo ay mula sa social pension fund ng Dept. of Social Welfare and Development - MIMAROPA Office.

Ayon sa MSWDO, ang bawat kasapi ng mga nakatatandang mamamayan na nanggaling  pa sa iba’t-ibang barangay ng nasabing bayan ay tumanggap ng tig-P6000  na katumbas ng P500 kada buwan na ayuda ng pambansang pamahalaan.

Nagtungo sa bawat barangay ang mga kawani ng MSWDO katuwang ang Sangguniang Barangay para ipagkaloob ang naturang tulong pinansiyal upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga kasapi na kung saan ay mahigpit din na ipinatupad ang minimum health protocols habang isinasagawa ang pay-out.

Maayos ang pamamahagi ng social pension para sa mga senior citizens sa bayan ng Bulalacao kung saan mahigpit din na ipinatupad ang minimum health protocols. (Photo: MSDWO Bulalacao)

Samantala, nag abiso ang nasabing tanggapan na sakaling bigo na makuha ang pension noong Agosto 12-14 ay maaring bumalik sa darating na Agosto 27.

Masayang tinanggap ng mga nakatatandang mamamayan ng bayan ng Bulalacao ang kanilang isang taong social pension na nagkakahalaga ng P6k bawat isa. Makikita sa larawan ang dalawang lola na tumatanggap ng kanilang pension na nagmula pa sa iba't-ibang barangay. (kuha ng MSWDO Bulalacao)

Pinasalamatan ng mga senior citizens ang mga opisyales ng barangay sa inisyatibo na dalhin na sa kanilang lugar ang naturang tulong pinansiyal para hindi na anya nila pa kukunin ito sa munisipyo. (DPCN/PIA-OrMin/MSWDO-Bulalacao)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch