No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ayuda fixer, mga sangkot arestado sa Pasig

QUEZON CITY, (PIA) -- Naaresto ng Pasig City Police ang fixer at iba pang sangkot sa enhanced community quarantine (ECQ) ayuda modus.

Sa kaniyang Facebook page, ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang modus ng nasabing fixer at mga kasama nito.  

Magbibigay ang fixer ng form sa mga tao. May mga nabigyan na taga ibang LGU. Sa 4,000 piso na ayuda, 1,000 ang sa tao/recruit nila. Yung 3,000, paghahatian ng fixer at validator.”

Idinagdag pa ni Sotto na iniimbestigahan na ng pulisya kung may iba pang sangkot dito.

Isang libong staff natin ang nagpapagod para maging maayos ang pamamahagi ng ayuda. Alam nating hindi kaya bigyan lahat ng cash ayuda mula sa nasyonal, pero basta't walang korapsyon o palakasan, ok tayo. Pero di pa rin talaga maalis-alis sa utak ng ibang tao ang panlalamang sa kapwa.”

May iba pang suspek. Ipapa-entrap din natin sila. Salamat sa mga impormante.”

Samantala, nitong Agosto 18, ang pamahalaang lungsod ay nakapamahagi na ng P88,032,000 para sa ECQ ayuda kung saan nasa 92,645 na pamiliya/indibidwal ang nakatanggap ng tulong pinansyal. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch