No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Duterte Legacy, ibinahagi ni PCOO Sec Andanar sa Occ Mdo

Duterte Legacy, ibinahagi ni PCOO Sec Andanar sa Occ Mdo

Sa pamamagitan ng Duterte Legacy, ay magkakaroon ng pamantayan ang mga mamamayan sa kanilang pagpili sa susunod na lider ng bansa. (PCOO)

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Agosto 21 (PIA) – Mga proyektong nagsulong sa kalusugan, imprastraktura, edukasyon at kapayapaan na mga pangunahing pamana ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang ibinahagi ngayong araw sa lalawigan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Sa panayam kay Andanar ni Mar Raro ng DWDO Care FM, ay tinalakay ng Kalihim ang mga polisiya at programa na bumubuo sa Duterte legacy. Kabilang dito aniya ang naipagawang 150,149 silid-aralan, 451 naipatayong pantalan, 214 na mga bagong paliparan, 29,264 kilometrong natapos na road projects, at iba pang mahahalagang imprastraktura.

Prayoridad din ng Pangulong Rodrigo Duterte, ani Andanar, ang edukasyon ng mga kabataan kung saan sa ilalim ng Free Tuition Fee Act ay may 1.6 milyong kabataan ang nakinabang.

Sa usaping pang-kalusugan naman ay higit 2 milyong mamamayan ang naitalang napaglingkuran sa mga Malasakit Center at 110 milyong Pilipino ang covered na ngayon ng Universal Health Care (UHC) Act. Idinagdag ng Kalihim na sa pamamagitan ng UHC Act, insured ang lahat kahit walang binabayaran.

Sinabi pa ni Andanar na sa kasalukuyang pamunuan ay naibaba ng 64% ang crime volume. “The streets are now safer for our people (Ligtas na ang ating lansangan sa ating mga mamamayan),” ani Andanar.  

Idinagdag ng pinuno ng PCOO na isa pa ring malaking legasiya ng Pangulo ang Executive Order No. 70. Ito ang nagtakda ng Whole-of-Nation approach kung saan sama-samang inihahatid ng iba’t ibang ahensya sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) ang mga programa ng gobyerno. Binuksan din aniya ng pamahalaan ang pintuan para sa mga magbabalik-loob na kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG). Marami sa mga ito, ayon sa Kalihim, ay nabigyan ng pagkakataong maging sundalo, guro at magsasaka, bilang hakbang sa kanilang pagbabagong-buhay.

”Wala na ring laglag bala sa airport. Ngayon ang airport ay 10th most improved airport in the world from worst,” ani Andanar.

Binigyang diin pa ng Kalihim na ang mga nabanggit na proyekto at iba pang mga nagawa ng liderato ng Pangulo ay hindi maitatanggi ng sinuman kasama na ang mga detractors ng kasalukuyang administrasyon.

Naniniwala si Andanar na sa pamamagitan ng Duterte Legacy, ay magkakaroon ng pamantayan ang mga mamamayan sa kanilang pagpili sa susunod na lider ng bansa. Aniya, dapat maging matalino ang taumbayan at piliin yaong magpapatuloy o mahihigitan ang mga nagawa ng Pangulong Duterte. (VND/ PIA MIMAROPA)


About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch