LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Hindi pa rin tatanggap ng kahit anong pampublikong transaksyon ang mga tanggapan ng LTFRB Central Office at LTFRB-NCR kasunod ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) simula Aogosto 21-31, 2021.
Bukod pa rito, tumataas rin ang mga kaso ng nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa tanggapan ng LTFRB Central Office na pumalo na sa 20 empleyado.
Sa kabila niyan, tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng mga Public Utility Vehicles (PUV) na pinahihintuluyang bumiyahe simula noong ika-1 ng Hunyo 2020 para magserbisyo sa mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na tanging pinapayagang lumabas ng kanilang tahanan ngayong MECQ.
Ayon sa LTFRB, sinisigurado naman ng ahensiya na patuloy nitong paghihigpitan ang pagpapatupad ng public health and safety protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol at sanitizer, at regular na pag-disinfect ng mga pampublikong sasakyan.
Magpapatuloy rin ang pagtanggap ng ahensya ng mga online transactions.
Ang mga sumusunod na transactions ay maaring gawin online o via email, alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular (MC) 2020-016:
1. Request for Special Permit at Correction of Typographical Error: online.td@ltfrb@gov.ph
2. Request for Confirmation of Unit/s at Request for Franchise Verification: online.ismd@ltfrb.gov.ph
3. Request for Issuance or Extension Provisional Authority: legal@ltfrb.gov.ph
4. Legal Concerns/Query (Hearing Schedule and Status): legalconcerns@ltfrb.gov.ph
5. Information Systems Management Division (ISMD): ismd@ltfrb.gov.ph
6. Public Utility Vehicle Modernization Program National Project Management Office (PUVMP-NPMO): puvmptechnical.ltfrbco@gmail.com
Kaugnay sa mga online hearings sa tanggapan ng LTFRB Central Office, magpapatuloy ang mga pagdinig base sa inilabas na schedule ng ahensya.
Bagamat titigil ang opersyon ng tanggapan ng LTFRB Central Office, BUKAS PA RIN ANG 24/7 PUBLIC ASSISTANCE DESK HOTLINE 1342 para tumanggap ng mga tawag mula sa publiko. Bukod diyan, maaaring ipaabot ang inyong mga katanungan, reklamo, ulat, at concerns sa ating Official Facebook Page at Facebook Messenger. Maaari ring mag-email sa pacd@ltfrb.gov.ph.
Patuloy naman ang pagbibigay ng serbisyo ng LTFRB NCR sa pamamagitan ng Public Transport Online Processing System (PTOPS) https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en
(LTFRB/PIA-NCR)