No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

5k dose ng Moderna vaccines, dumating sa Romblon

Sa unang pagkakataon ay nakatanggap ng Moderna vaccine ang lalawigan ng Romblon mula sa Department of Health (DOH). (Larawan mula sa PDOHO Romblon)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Sa unang pagkakataon ay nakatanggap ng Moderna vaccine ang lalawigan ng Romblon mula sa Department of Health (DOH).

Ang Moderna ay isang American pharmaceutical at biotechnology company na nakabase sa Cambridge, Massachusetts.

Ayon sa Provincial DOH Office - Romblon, may aabot sa 5,000 dose ng mga bakunang gawa ng Moderna na panlaban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang dumating ngayong Martes sa lalawigan, August 24.

Ang mga nasabing dose ay para sa first at second shot na ng 2,500 katao sa lalawigan na pasok sa A1 hanggang A4 na kategorya.

Batay sa talaan ng PDOHO, ang Moderna ay pang-apat na sa mga brand ng mga Covid-19 vaccines na dumating sa lalawigan kabilang na ang Sinovac, AstraZeneca, at Johnson & Johnson vaccines.

Samantala, sa talaan ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit, may aabot na sa 57,659 na dose ng mga nabanggit na bakuna ang naiturok na sa mga residente ng lalawigan at 30,904 rito ay fully vaccinated na. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch