No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Proyekto ng PRDP sa Santa Maria, magsisimula na

Nagsagawa ng Pre-Construction Conference noong nakaraang linggo kaugnay sa proyekto ang DA-PRDP at iba pang ahensya ng gobyerno at ng lokal na pamahalaan. (Larawan mula sa DA Mimaropa)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Magsisimula na ang konstruksyon ng Romblon Seaweeds Production and Processing subproject sa bayan ng Santa Maria, Romblon na proyektong itinataguyod ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Dept. of Agriculture.

Ang nasabing subproject ay proposal ng Sta. Maria Food Processors Association (SAMAFPA) at iprinisinta sa MIMAROPA Regional Project Advisory Board (RPAB) noong nakaraang taon hanggang sa maaprubahan ito.

Ayon sa presidente ng SAMAFPA na si Ruel Manito, ang proyekto ay nagkakahalaga ng 14.2 million pesos.

Katunayan nito, nagsagawa na ng Pre-Construction Conference noong nakaraang linggo kaugnay sa proyekto na dinaluhan ng DA-PRDP at iba pang ahensya ng gobyerno at ng lokal na pamahalaan.

Sa ngayon, ang SAMAFPA ay gumagawa ng mga produkto mula sa seaweeds katulad ng noodles at raw dried seaweeds.

Samantala, nauna ng iminungkahi ng mga kasama sa RPAB na kung maari ay mag-expand rin ang SAMAFPA sa paggawa ng iba pang produkto mula sa seaweeds kagaya ng mga chips at pickles, na siya ring sinangayunan ng SAMAFPA. (PJF)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch