No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pamamakuna laban sa rabies nagpapatuloy

LUNGSOD NG KORONADAL,  South Cotabato (PIA) -- Sa kabila ng pandemyang dulot ng coronavirus disease, nagpapatuloy ang pamamakuna ng Office of the Provincial Veterinarian sa mga alagang hayop laban sa rabies. 

Ngayong taon, abot na  sa mahigit 31 libong mga aso at pusa ang nabakunahan ng OPVet, ayon kay  Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot. 

"Kahit na may mga balakid na nasa mga barangay, patuloy pa rin kaming nagbabahay-bahay sa pagbabakuna ng mga aso at pusa," sabi ni Dr. Bigot sa flag ceremony sa Provincial Capitol nitong Lunes. 

Katulong aniya nila sa pamamamakuna ang mga municipal agriculture office at mga  barangay animal health workers. 

Gayunman,  may mangingilang kaso pa rin ng mga asong nag-positibo sa rabies virus sa ilang parte ng lalawigan. Ito, ayon kay Dr. Bigot, ay dahil may mga barangay na hindi napasok ng kanilang mga vaccination teams. dahil sa mga paghihigpit dahil sa COVID-19 virus. 

Binigyang-diin din ng opisyal na sa kanilang isinasagawang house-to-house rabies vaccination, kanilang sinisiguro na sinusunod ng kanilang mga tauhan ang COVID-19 minimum health protocols, upang matiyak ang kanilang kaligtasan. (PIA XII) 

About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch