No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Pagtanggi sa mga enrollees bawal ayon sa Deped Palawan

Pagtanggi sa mga enrollees bawal ayon sa Deped Palawan

Dumalo sa Kapihan sa PIA noong Agosto 25, 2021 na ginanap sa SM Puerto Princesa sina Deped Palawan-Schools Division Superintendent Roger F. Capa, OIC-ASDS Rufino B. Foz, Division Information Officer Maylyn G. Dilig at Division Legal Officer Atty Joshua Abrina.(kuhang larawan ni Orlan Jabagat,PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagpaalala ang Department of Education-Schools Division of Palawan sa mga paaralan sa lalawigan na lahat ng mga batang nais mag-enrol ngayong taon ay dapat tanggapin.

Sa Kapihan sa PIA na naganap sa SM Puerto Princesa noong Agosto 25, sinabi ni OIC-Assistant Schools Division Superintendent Rufino Foz, bawal tanggihan  ang mga batang mag-e-enrol anuman ang naging pagkukulang nito noong nakalipas na taon kaya kinakailangang ma-enrol ito  para maipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pagaaral.

Aniya, ang kakulangan  ng mga dokumento dahil sa pagiging  “transferee” ay hindi na obligasyon ng mga magulang at bata dahil ang mag-uusap na lang dito ay ang mga guro o  principal ng bawat paaralan at maaaring isumite online. Makikita naman rin aniya sa Learners Information System (LIS) ng magaaral  kung siya ay  “transfer in o transfer out “.

Ayon naman kay Schools Division Superintendent (SDS) Roger Capa, matagal nang  ipinatutupad  ang “no collection policy”.

“Strikto natin ipanapatupad yung 'no collection policy'. Matagal na yang Deped order, 2008 pa at kailangang masunod at hindi magiging dahilan ang hindi pagbabayad ng contribution para i-hold ang mga card at ang anumang contribution, kahit pinagkasunduan pa ng PTA, ito ay mananatiling boluntaryo, yung gusto lamang, hindi po compulsory", giit pa ni SDS Capa.

Sa tala ng Deped Palawan, simula noong  Agosto 16, sa pagsisimula ng enrollment  para sa School Year 2021-2021 hanggang noong Agosto 24, ay umabot na sa mahigit 94K ang mga nakapag-enroll  mula Kindergarten hanggang Senior High School at kumpiyansa sila na tataas pa ito hanggang sa pagtatapos nito sa Setyembre 13, 2021.(MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch