No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Caloocan, nagpasalamat sa DILG bilang pagkilalang No.1 sa ECQ ayuda distribution

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan para sa pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay nang pagiging No. 1 nito sa distribusyon ng ECQ ayuda sa kabila nang malaking populasyon nito.

Ayon sa DILG, ang lungsod ng Caloocan ang unang nakatapos sa pamamahagi ng cash assistance sa buong Metro Manila sa loob lamang ng labindalawang-araw na distribusyon o bago pa ang unang itinakdang deadline.

Dahil dito, kinilala ng DILG ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Oca Malapitan matapos makumpleto ng siyudad ang pamamahagi ng mahigit P1.34 bilyong ayuda mula sa national government.

Mayor Oca Malapitan Facebook

Base sa datos, kabuuang 402,835 pamilya ang nakatanggap ayudang ito sa Caloocan. Kabilang sa mga nakatanggap ay ang mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program o SAP, Pantawid Pamilyang Pilipino Program members o 4Ps, persons with disabilies, solo parents, at TODA/JODA members.

Nauna na rin nagpaabot ng kaniyang papasalamat si Mayor Malapitan sa pondong ibinigay ng pamahalaang nasyonal, gayundin sa lahat ng naging katuwang upang maging mabilis at organisado ang pamimigay ng ayuda sa mga benepisyaryo.

Tiniyak naman ng alkalde na mas pagagalingin pa ng lokal na pamahalaan ang sistema ng distribusyon sa susunod pang pamamahagi ng ayuda. (Caloocan PIO/PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch