No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Enrollment para sa SY 2021-2022, umpisa na

LUNGSOD QUEZON (PIA)—Kasalukuyang isinasagawa sa ilalim ng “Oplan Balik Eskuwela 2021” ng Department of Education (DepED) ang enrolment para sa taong 2021-2022.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, Jr. sa kanyang virtual press briefing kahapon, Agosto 26.

Ayon kay Roque, nagsimula ang pagpaparehistro noong Agosto 16 at magtatapos sa Setyembre 30.

Bagaman ang pagtatapos ng petsa ng pagpaparehistro ay siya ding araw ng pagbubukas ng klase, itutuloy pa rin ang gagawing pagpaparehistro ayon sa pahayag ng DepEd.

“Pero kahit na school opening sa September 13 ay tuloy-tuloy pa rin ang registration,” dagdag pa ni Roque.

Dahil dito, hinikayat ni Roque ang mga magulang at kabataan na magparehistro na sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. (MBP/PIA-IDPD)


About the Author

Marites Paneda

Writer

Central Office

Information Officer of the Institutional Development Program Division (IDPD).

Feedback / Comment

Get in touch