No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Donasyon para sa Brigada Eskwela, boluntaryo at walang 'ceiing' -- Deped Palawan

Donasyon para sa Brigada Eskwela, boluntaryo at walang 'ceiing' -- Deped Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA) -- Mariing iginiit ng Department of Education (Deped) Palawan na  walang  ‘ceiling’ o itinakdang dapat na halaga  sa makokolektang donasyon ng mga paaralan kaugnay ng kanilang programang Brigada Eskwela.

Sa naganap na Kapihan sa PIA sa SM Puerto Princesa kamakailan, sinabi ni Deped Palawan Legal Officer Atty. Joshua Abrina, mayroong nakarating sa kaniyang kaalaman na may ganitong usapin kaya kaniyang nililinaw na wala silang ganitong klaseng panuntunan sa dibisyon.

Ayon sa kaniya, mismong ang central office ng kagarawan ang gumawa ng polisiya tungkol dito na ipinatutupad naman nila sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Roger F. Capa, CESO VI kung saan dapat bulontaryo lamang ang pagbibigay ng donasyon.

Nilinaw nina Deped Palawan Legal Officer Atty. Joshua Abrina, at Senior Education Program Specialist for Social Mobilization and Networking,Division Information Officer Maylyn Dilig na dapat ay bulontaryo lamang ang pagbibigay ng donasyon sa Brigada Eskwela at walang itinakdang ‘ceiling’ sa mga paaralan ang dibisyon. Kasama rin sa larawan sina SDS Roger F.Capa, CESO VI at OIC-ASDS Rufino Foz.(screenshot mula sa Kapihan sa PIA fb live)

“Hindi po yun mandatory at walang ceiling", saad pa ni Atty. Abrina.

Kinumpirma naman ni Maylyn Dilig,Senior Education Program Specialist for Social Mobilization and Networking,Division Information Officer ng Deped Palawan na lahat naman ng tulong na ibinibigay sa mga paaralan  ay kanilang tinatanggap maliban lamang kung ito ay magmumula sa 'tobacco company' dahil ipinagbabawal ito batay sa inilabas na 'memorandum' noon ng kagawaran.

Tiniyak rin ni Dilig na  lahat ng mga donasyon na ibinabahagi sa Brigada Eskwela ay may dokumento tulad ng deed of donation at Memorandum of Agreement, maliban pa ito sa  sa kanilang 'a-dopt-a school program' para sa mga malalaking korporasyon kung saan maaaring  mag-apply ng tax exemption ang mga kompanya.

Binibigyan rin aniya ng  Deped Palawan ng  ‘certificate of acknowledgement’ ang lahat ng mga magbibigay ng donasyon.

Ang Brigada Eskwela ay isang programa ng Deped  para ihanda ang paaralan sa pagbubukas ng klase bawat taon.(MCE/MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch