No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Puerto Princesa City Police Station 2, pinasinayaan

Puerto Princesa City Police Station 2, pinasinayaan

Pinangunahan nina PNP Chief General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, at Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan ang Blessing and Inauguration ng Puerto Princesa City Police Station 2 Building , sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City noong Agosto 30. (Larawan mula sa City Mayors Office)

PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA) -- Pinasinayaan noong Agosto 30, ang bagong gusali para sa Puerto Princesa City Police Station 2, sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City kung saan personal itong  dinaluhan ni  Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

Sa kaniyang talumpati, kinilala ni Eleazar ang mga tulong ng mga Local Government Units (LGUs) sa PNP.

“May sariling budget, may sariling pondo ang ating PNP subalit alam natin na ang ating mga LGUs ay naghahanap rin ng mga kaparaanan sa kani-kanilang kakayanan kung papaano madadagdagan itong mga resources na ito at dito natin makikita, tayo ay saksi sa suportang ito ng LGU sa PNP, na hindi na hihintayin pa na magkaroon ng pondo ang PNP para pagtayuan ng mga police stations. Nangunguna na, nagsusumikap na gawin ito”, ani Gen. Eleazar.

Ayon pa sa kaniya, napakahalaga ang pagkakaroon ng istasyon ng pulisya sa lugar para mapanatili ang ‘peace and order’ at kaligtasan ng mga mamamayan na tutungo rito.

Samantala, sinabi ni Mayor Lucilo Bayron, ang istasyon ng pulis na ito ay  tutugon sa pangangailangang pangseguridad ng mga taong tutungo rito lalo na’t napakaraming itinatayong establisyemento rito tulad ng Land Transport Terminal, Public Market, Producers Market, mga restaurants at souvenir shops, at gasoline station.

Aniya, isa lang ito sa ilan pang istasyon ng pulis na ipatatayo at popondohan ng pamahalaang panlunsod.

Dumalo rin sa gawain si Third District Representative Atty. Gil Acosta Jr, mga Punong Barangay, mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod at iba pang kawain at opisyal ng pamahalaan.(MCE/MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch