No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PDRRMC, MDRRMC tulong-tulong sa pagsalba sa mga sinalanta ng baha sa Palawan

PDRRMC at mga MDRRMC, tulong-tulong sa pagsalba sa mga sinalanta ng baha sa Palawan

Makikita sa larawan na tinulungan ng PNP-1st Palawan Provincial Mobile Force Company (PNP-1st PMFC) ang isang bata na residente ng Bgy. Labog, Sofronio Espanola, upang mailikas sa kasagsagan ng baha kahapon. Ang PNP-1st PMFC ay miyembro ng PDRRO. (Larawan mula sa PNP-1st PMFC)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Tulong-tulong ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PRDDMC) at mga Municipal DRRMC na iba’t-ibang munisipyo sa bahaging sur ng Palawan sa pagsalba ng mga residenteng sinalanta ng baha dulot ng bagyong Maring kahapon.

Pinangunahan ni PDRRMO Jerry Alili na siya ring Incident Commander sa Typhoon Maring ang deployment ng mga kawani ng PDRRMO sa Southern at Western part ng Palawan upang alamin ang mga pangyayari at magbigay ng tulong sa mga munisipyo na apektado at nasalanta ng bagyong Maring.

Ang mga miyembro ng PDRRMC na agarang rumesponde sa mga sinalanta ng baha at mga residenteng nangailangan ng tulong sa mga bayan ng Narra, Sofronio Espaňola, Quezon, Rizal, Bataraza at Brooke’s Point ay ang Philippine National Police (PNP)-1st Palawan Provincial Mobile Force Company, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at iba pa.

Nakahanda na rin ang mga family food packs ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Si Assistant PDRRMO Cruzalde Ablaña naman ang itinalagang Emergency Operation Center (EOC) Manager na nangangasiwa ngayon sa PDRRMO Headquarters para sa coordination at monitoring ng mga pangyayari sa mga apektadong bayan ng Palawan.

Sa inilabas na situationer report #11 ng Palawan EOC nitong umaga ng Oktubre 12, umabot na sa anim ang naitalang nasawi, tatlo ang nawawala at 10 naman ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong Maring sa Palawan.

Samantala mayroon namang 325 pamilya ang inilikas na binubuo ng 1,348 indibiduwal; 11 naman ang naitalang nasira na mga kabahayan at 10 ang bahagyang nasira.

Patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring ng PDRRMO sa kaugnay ng pinsala ng bagyong Maring. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch