LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga naoospital sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC dahil sa corona virus disease 2019 o COVID-19, yan ay base sa report ng ospital Miyerkules, Oktubre. 20.
Sa ipinalabas na datos ng CRMC, bumaba sa 38% o nasa 88 COVID-19 beds na lang ang okupado mula sa 78% o 181 beds noong October 3.
Ayon kay CRMC Spokesperson Dr. John Maliga, nangangahulugan ito na maganda ang naging epekto ng vaccination roll out at ang pagpapatupad ng health protocols ng mga local na pamahalaan ng Cotabato City, Bangsamoro region at mga karatig lugar nito.
Inilahad din ng opisyal na hindi na rin daw nagpapa-ospital ang ilang nakakaranas ng mild to moderate na mga nagpopositibo sa COVID 19.
Sa tala ng CRMC, nasa 60 pasyente ang nasa mild to moderate cases, 25 ang severe, 3 asymptomatic or walang sintomas at 1 ang kritikal.
Samantala, handa raw ang CRMC kung sakaling magkaroon ng surge o pagtaas ng kaso ng mga pasyenteng may COVID-19 sa mga susunod na lingo hanggang Disyembre.
Pakiusap naman si Dr. Maligo sa mga LGU na paigtingin ang pagpapaalala ngayong sunod-sunod ang pagkakaroon ng holiday.
Hinikayat din nya ang mga residente na sundin parin ang pagsuot ng mask at paghugas ng kamay kahit nasa loob lang ng bahay nang makaiwas sa COVID-19. (PIA Cotabato City)