No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

'Mga Bida sa Pandemya' paparangalan ng DOH-CHD-Mimaropa

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Sa Oktubre 29 nakatakdang magbibigay parangal ang Department of Health Center for Health Development Mimaropa para sa mga nag-ambag sa laban sa pagkalat ng Covid-19 sa rehiyon sa pamamagitan ng 'Prevent-Detect-Isolate-Treat and Re-integrate'  (PDITR) Strategy.

Kabilang dito ang mga ospital at pasilidad na magagawaran ng  “Resbakuna Seal” dahil bakunado ang lahat ng tauhan.

“Ibig sabihin siyento por siyento ng mga empleyado sa loob ng ospital ay bakunado,” ayon kay Assistant Regional Director Vilma Diez sa isang panayam ng Layag Mimaropa - Radyo Pilipinas Lucena,”para naman yung pupunta… mga magpapa-check lalo na si Nanay, mga buntis, ang mga bata---ay kampante dahil bakunado ang buong staff ng ospital mula janitor hanggang sa Chief of Hospital.”

Paparangalan din ang may 53 na temporary treatment and monitoring facility (TTMFs) na sertipikado sa DOH CHD Mimaropa at akredited pa sa PhilHealth.

“Ibig sabihin ng certified---safe---hindi kayo magkahawaan doon,” ani ARD Diez, “hinihikayat naming ang mga bayan-bayan na magtayo ng TTMFs para maakredite ng PhilHealth para maging sustainable o mapahaba ang operasyon.”

Umabot na sa P23 milyon ang halaga ng mga reimbursement ng mga TTMFs ng mga nakalista sa DOH-CHD Mimaropa.

Paparangalan din ang Philhealth at iba pang mga partners gaya ng Ayala Foundation na nakipagtulungan sa probinsya ng Marinduque para makapagtatag ng Bio-Molecular laboratory.

“Napakadami nilang iitinulong, kaya pararangalan natin ang Ayala Foundation…kasama si Governor (Presbitero) Velasco (Jr.),” sabi ARD Diez.

Kasama sa mga partner na paparangalan ay ang Skylight Hotel na nakipagtulungan sa Lungsod ng Puerto Princesa para sa isolation ng mga asymptomatic at mga nag-positibo sa Covid 19. Pati ang mga mayroong blood donation program ay paparangalan din.

Samantala, ilulunsad naman ng DOH CHD MImaropa sa Bida sa Pandemya 2021 ang tatlong programa ng regional office.

Una rito, ang Future Ready Kawani kung saan lahat  ng aplikante ng DOH-CHD-Mimaropa ay sasailalim sa virtual examination at virtual interview para walang hawaan; ikalawa, Connectiviity Committee Tracker kung saan mapapanood ng kahit sino ang bidding process ng tanggapan; at ikatlo, ang Regional Health Facility Development Plan na ibabahagi ng DOH CHD Mimaropa sa mga gobernador ng Mimaropa. (L. Plantilla)



About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch