No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Quarantine para sa mga bakunadong biyahero, tinanggal na sa Romblon

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Hindi na kailangang mag-quarantine ang mga fully-vaccinated individuals na dadating sa probinsya ng Romblon, simula Oktubre  29.

Ito ang inaprubahan ng Provincial Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (PIATF) sa huli nilang pagpupulong sa bayan ng Romblon, Romblon noong Oktubre 28.

Sa nasabing pagpupulong ay napagkasundaan na ang lahat ng indibidwal na manggagaling sa high risk areas o may mataas na kaso ng Covid-19 ay kailangan na lamang magpakita ng mga sumusunod:

  • Negatibong RT-PCR result,
  • Vaccination card,
  • S-Pass na makukuha sa s-pass.ph, at
  • Acceptance certificate mula sa LGU

Ang mga indibidwal naman na manggagaling sa mga low risk areas ay hindi na kailangan ng RT PCR test result.

Pagdating nila sa Romblon, kinakailangan nilang mag-self monitornig sa sintomas ng Covid-19 at mag-report sa mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) kung magkaroon man.

Ayon kay Atty. Lizette Mortel, Provincial Administrator, makakatulong ang bagong patakaran na ito sa muling pagsigla ng industriya ng turismo at sa ekonomiya ng lalawigan.

Samantala, para sa mga hindi par in bakunadong indibidwal na tutungo ng probinsya ng Romblon, kailangan pa rin nila magpakita ng kompletong requirements na hinihingi ng mga lokal na pamahalaan at kailangang dumaan sa facility-based quarantine.

Kasama rin sa mga naaprubahan ng PIATF ang muling pagbubukas ng mga tourist attraction sa lalawigan basta masiguro lamang na bakunado ang lahat ng nagtatrabaho rito.

Kasabay nito, inaprubahan rin ng PIATF na ang lahat ng fully-vaccinated na nasa loob ng Romblon ay hindi na kailangan ng antigen-test kung pupunta sa ibang bayan sa probinsya.

Ang mga nabanggit na bagong patakaran ay nakapaloob na sa inilabas na executive order ni Governor Jose Riano. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch