No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

CHO-Cotabato nagsimula ng bakunahan ang may edad 12-17

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) - Sinimulan na ng Cotabato City Health Office (CCHO) at ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang pababakuna kontra COVID-19 sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 nitong Miyerkules.

Abot sa 200 kabataan ang naitalang nabakunahan ng Pfizer at Moderna vaccine sa unang araw ng implementasyon ng general pediatric vaccination.

Sa lungsod ng Cotabato, tanging CCHO at CRMC palang ang awtorisadong magsagawa ng pediatric vaccination alinsunod sa kautusan ng Department of Health.

Ayon sa CCHO, kailangang ipresenta ang kopya ng birth certificate, valid ID o school ID ng batang babakunahan, at valid ID na rin ng kasamang parent or guardian.

Paalala rin ng CCHO na kinakailangan ang medical certificate mula sa Pediatrician para sa kabataang may comorbidity o medical condition.

Ang CRMC ay naunang nagpatupad ng pagbabakuna para sa mga anak o dependents ng mga empleyado nito na may comorbidities noong October 29 kung saan abot sa 61 ang nabakunahan.

Patuloy naman ang paghihikayat ng CCHO at DOH para sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak bilang paghahanda na rin sa posibleng pagbubukas ng face-to-face classes sa susunod na taon.

About the Author

Allan Biwang Jr.

Information Officer II

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch