No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

'No movement Sunday’ policy inalis na sa Lungsod ng Cotabato

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Inanunsyo nitong Lunes ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi na lifted na ang ipinatutupad na ‘No movement Sunday’ policy sa lungsod.

“Napag-desisyunan na po ng ating city IATF na matapos ang isang taon na pagpapatupad natin nito ay ili-lift na po natin ang ‘No movement Sunday’ mula ngayong darating na araw ng linggo,” sinabi ni Guiani-Sayadi.

Ayon kay Guiani-Sayadi, ang pag tanggal ng ‘No movement Sunday’ policy ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

“Unti-unti na pong bumababa ang mga bilang ng COVID-19 cases dito sa lungsod. Sa report ng ating office on health services, ngayon ay nasa 145 na lamang po ang mayroon tayo, at araw-araw itong nababawasan,” dagdag pa ng akalde.

Dagdag pa rito, naniniwala ang pamahalaang panlungsod na dahil sa pagtanggal ng nasabing polisiya ay unti-unti nang makakabangon ang mga negosyante sa lungsod.  

Samantala, mas lalo pang pinalalakas ng pamahalaang panlungsod, sa pamamagitan ng Cotabato City Health Office (CHO) ang pagbabakuna kontra COVID-19 matapos mag-deploy ang CHO ng mga micro vaccination site sa ilang mga lugar sa lungsod.

Base sa pinakabagong datos mula sa CHO, abot na sa higit 50,000 mga indibidwal sa lungsod ang fully vaccinated. (With reports from City Government of Cotabato).






About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch