No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

57 dating rebelde ng NPA, nakatanggap ng pabahay mula sa gobyerno

MAYNILA, (PIA) -- Nakatanggap ng housing units ang 57 dating rebelde ng New People's Army ng Communist Party of the Philippines na tinalikuran ang mga bayolenteng gawain at nagbalik loob sa gobyerno.

Ang housing distribution ay ginanap sa Freedom Residences, Tagum City, Davao del Norte kamakailan lang.

Ito ay sa pamamagitan ng housing project na pinangunahan ng National Housing Authority at Tagum City Government sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Ang E-CLIP ang flagship program ng administrayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naglalayong isagawa ang social healing at national unity sa pamamagitan ng whole-of-nation approach tungo sa mas mataas na layunin ng pagkakaroon ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

Dagdag pa ni Task Force Balik-Loob Chair Defense Usec. Reynaldo B. Mapagu na, bukod sa mga housing unit, binibigyan din ng iba pang tulong ang mga dating miyembro ng komunistang teroristang grupo para matulungan sila at ang kanilang mga pamilya sa proseso ng reintegration. (PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch