No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higit 100 livestock sa Rizal, binisita ng tanggapan ng Prov’l Vet

Higit 100 livestock sa Rizal, binisita ng tanggapan Prov’l Vet

Higit 100 alagang hayop o livestock sa bayan ng Rizal, na kinabibilangan ng 50 baka at kalabaw at higit 50 kambing, ang binisita kamakailan ng mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist (OPV) upang purgahin, bigyan ng bitamina at isailalim sa artificial insemination. (PGO Occ Mdo)

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) -- Higit 100 alagang hayop o livestock sa bayan ng Rizal, na kinabibilangan ng 50 baka at kalabaw at higit 50 kambing, ang binisita kamakailan ng mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist (OPV) upang purgahin, bigyan ng bitamina at isailalim sa artificial insemination.

Ayon kay Dr. Kristofferson Gonzales, Provincial Veterinarian, ang isinagawang aktibidad ay naglalayong higit pang palakasin ang sektor ng Sakahan at Paghahayupan sa lalawigan. “Prayoridad ng ating programa ang mga backyard ruminant raisers,” saad ni Gonzales. Ito aniya ang hakbang na nakikita ng Pamahalaang Panlalawigan upang matulungan ang mga maliliit na magsasaka at naghahayupan sa pagpaparami ng kanilang mga alaga.

Sinabi ni Dr. Gonzales na sa artificial insemination ng mga baka, magandang uri o lahi ang ipinupunla sa mga ito. Bilang halimbawa, sinabi ng Provincial Vet na sakaling ang nais ng programa ay milk production, mas magandang ibigay ang Girolando Breed mula Brazil, dahil marami ang napo-produce na gatas ng mga ito. “Ang kagandahan ng ating programa ay libre lahat ito mula Department of Agriculture-Mimaropa at ng Philippine Carabao Center - UPLB,” ani Gonzales.   

Matapos ang artificial insemination, patuloy na imomonitor ng OPV ang mga alagang hayop na inaasahang magbubuntis at manganganak sa susunod na mga buwan. (VND)





About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch