No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Signature Campaign laban sa VAW, inilunsad

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)-- Isang signature campaign ang isinagawa ng samahan ng mga kababaihan sa lungsod ng Batangas bilang pagsuporta sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women noong ika-25 ng Nobyembre 2021.

Ito ay alinsunod sa Proclamation 1172, Series of 2006 at Republic Act No. 10398, Series of 2012 na nagdedeklara ng November 25 ng bawat taon bilang “National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children.”

Layunin ng nasabing gawain na ipamulat sa lahat lalo’t higit sa mga kabataan ang negatibong epekto sa lipunan ng karahasan sa mga kababaihan.

Isang paraan din ito upang ipaalala ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng bawat isa upang matapos na ang mga karahasang nararanasan ng mga kababaihan sa lipunan.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang banal na misa na dinaluhan ng mga myembro ng Kapisanan ng Liping Pilipina (KALIPI) at Babae Bangon, dalawang samahan ng mga kababaihan mula sa iba’t-ibang antas at sektor ng lipunan.

Nagsagawa rin  ng morning exercises at sinundan ng pagpirma ng mga signatories para sa naturang kampanya.

Ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women 2021 ay may temang “VAW-free community starts with me”.

Lumagda din sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño bilang pagsuporta kaalinsabay ng pamamahagi ng Livelihood Assistance sa may 700 beneficiaries ng Eupacare Product sa iba’t-ibang sectoral groups kasama ang samahan ng mga kababaihan na isinagawa sa Batangas City Coliseum. (MDC/PIA Batangas with reports from PIO Batangas City)

About the Author

Kier Gideon Paolo Gapayao

Information Officer III

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch