No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

125 TESDA scholars, nakapagtapos ng kursong produce organic veggie

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Masayang nakapagtapos ang 125 scholars ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa programang Produce Organic Vegetables (leading to Organic Agriculture Production NC II) sa Quezon City Lingkod Bayan Skills Development Center (QCLBSDC) kamakailan.

Ayon sa TESDA, ang mga nagsipagtapos ay mula sa mga barangay Pinyahan, Krus na Ligas, Old Capitol, Botocan, at Escopa 3 ng Lungsod Quezon.

Bahagi ng adbokasiya ng TESDA, sa pakikipag tulungan ng Quezon City Public Employment Service Office (QCPESO), ang pagpapalawig ng urban farming sa komunidad ng lungsod.

Ayon sa mga scholars na nakapagtapos, lubos na nakatulong ang naturang programa lalo na sa panahon ng pandemya dahil naging mas malawak ang kanilang pananaw sa pagtatanim at kahalagan ng pagtatanim para kabuhayan at seguridad sa pagkain.

Lubos din ang pasasalamat ng mga scholars sa TESDA at sa QC PESO dahil sa programang handog ng gobyerno para sa kanila na nagbigay ng bagong pag-asa na makaahon sa panahon ng pandemya.

Samantala, namahagi rin ng Christmas pack ang Lungsod Quezon sa lahat sa mga naging scholars ng naturang programa. (TESDA NCR/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch