
LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magsasagawa ng "Passport on Wheels" ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay, sa pakikipag tulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay upang mabigyang serbisyo ang mga residenteng nagnanais mag-renew ng kanilang pasaporte.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pasay Day celebration, bukas ang Passport on Wheels para sa mga Pasayeñong nais mag-apply o magpa renew ng kanilang passport.
Limited slots lamang ang available. Bukas ang registration hanggang sa Disyembre 8, 2021 sa https://tinyurl.com/PasayPassportOnWheels
Para sa listahan ng requirements, bisitahin lamang ang https://consular.dfa.gov.ph/. (Pasay City/PIA-NCR)